Inday is an EPIC Gamer!!!1!!111!

Tambay ulit ang magbabarkada sa may tindahan para magmeryenda. Medyo napasarap ang kwentuhan kaya’t di namalayang dumidilim na.

Si Dodong ang unang nakapansin at kinausap nya ang nagbabantay sa tindahan…

Dodong: Ate, ba’t di nyo pa binubuksan ang ilaw dito sa labas? Ang dilim na eh.

Tindera: Ay sensya na pero wala pa sa oras, mamaya pang alas-siyete bubuksan yan. Mahal na kuryente ngayon. Tipid lang muna tayo.

Manang: Hayy… I understand. Kami nga balik sa manual na paglalaba. Waag na daw munang mag-washing machine. (sabay kagat sa pandesal)

Ederlyn: Ay naku sinabi niyo pa. Sa amin nga may oras ang pagbukas ng refrigerator eh kaya dapat alam mo na kukunin mo kung ayaw mong maghintay ng ilang oras ulit. (sabay laklak sa tirang Chippy sa supot)

Dodong: Ako nga di na pinapayagan ng amo kong magplantsa ng mga damit ko. Sampay ko na lang daw ng maayos pagtapos labhan. (sabay simot sa paubos na goto)

Ethan: Eh sa amin naman… yung erpats ermats ko pag-gabi pinapapunta ako sa Wendy’s para dun maki-charge ng mga cellphone namin. (habang nilalaro ang stick ng isaw)

Inday: Oh my goodness!! It’s the same in our household! My master only allow me 1 hour for my PS3. Can you believe that?? I tell you 1 hour of GTA IV is unbearable!! Not to mention asking me not to use my 7.1 Channel Home Theater System while playing. Arrghh.

Laglag panga nila Dodong at Ethan.

Napataas na lang ang kilay nila Ederlyn at Manang sa sinabi ni Inday.

Pulubi: Ouch. I feel for you Inday. (sabay sawsaw ng antipasti sa kanyang walang kamatayang supply ng olive oil)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s