Filipino Oratorical Speech (para sa buwan ng wika)

Isang talumpati na pinagawa sa amin ng aming pinakamamahal na guro. Ipagpaumanhin niyo kung mahina ang pagtatagalog ko. Mas komportable kasi ako sa Ingles kaysa sa Tagalog. :)

Ang Kahalagahan ng Wika
Ni: Aidrian V. Bolanio
(4-St. Joseph)

Ang wika. Hindi natin maipagkakaila na ang pangunahing ginagamit natin para tayo ay magkakaintindihan ay ang “wika.” Tamang tama kung sabihin natin na ang wika ay tumutulong sa ating bayan para tayo’y magkaisa at magkaroon ng masarap na pagsasama. Bilang isang nayon at isang komunidad, nararapat lamang na tayo ay magkakaintindihan para umunlad ang ating bayan. Mahalaga ang wika sa pagkakabuklod-buklod ng isang pook o lugar. Kaya nararapat lang na pahalagahan natin ang wika – lalong lalo na ang wikang Filipino.
Sabi nga nila, ang Pilipino ay mahilig magsalita, mahilig makipagtalastasan mahilig makipagchismisan, mahilig makipagdaldalan. Minsan pa nga’y nakakalat ang mga balitang hindi kaaya-aya at walang katotohanan. Hindi naman talaga maiiwasan iyon. Kaya lang, isa itong indikasyon kung gaano kahalaga ang wika. Ang mga salita natin ay pwedeng makapaangat o makasira ng isang tao. Kaya nga dapat natin ingatan ang ating mga pinagsasabi, mag-ingat sa wikang ginagamit natin.
Pinapahayag natin ang ating mga saloobin kung tayo’y may nararamdaman sa pamamagitan ng wika. Kung gusto mong ipahayag ang iyong pag-ibig, wika ang siyang ginagamit mo. Kung gusto mong ilahad ang iyong galit, wika ang ginagamit mo. Minsan pa nga’y may mga salitang mas may impact kung nasa isang partikular na wika ito.
Ang wika rin ay isang ebidensya sa makasaysayang kultura ng isang bayan. Ito ay ang kaluluwa ng bayan. Ito ang batayan ng kultura ng isang bansa. Ilagay natin sa halimbawa ang Wikang Filipino. May ibang mga bansa bang nagsasalita sa Wikang Filipino? Di ba wala? Siguro, may mga ibang mga salita na galing sa salitang Español, Malay at iba pa. Ngunit, isa lang iyong patunay sa ating makasaysayang kultura. Bumisita sa atin ang mga Malay at Insik, sinakop tayo ng mga taga España. Kaya dapat di na tayo magtaka sa mga salita natin. Pinaghalo-halo ang lahat ng iyon para tayo makagawa ng sariling wika kung saan ito’y nagpapatunay n gating kahusayan at katalinuhan.
Sa katatapos lamang na SONA ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ang ginamit niyang wika upang maintindihan siya ng husto ng masang Pilipino ay ang wikang Filipino. Bakit? Bilang isang president, kinakailangan niyang ipahayag ang kanyang mensahe sa paraan na mas madaling makakaintindi ang mga taong kanyang pinagsisilbihan – ang masang Pilipino. At saka, ang wikang Filipino ay ang pambansang wika natin. Wala rin namang kwenta ang kanyang pinagsasalita kung hindi rin naman siya maiintindihan ng husto ng mga tao.
Binigyan nga ito ng importansya ng ating pambansang bayani – si Gat Jose Rizal. Aniya, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Kaya ipagmalaki ang pagiging Pilipino. Mahalin natin at pahalagahan ang wika lalong lalo na ang sariling wika.

About these ads

17 thoughts on “Filipino Oratorical Speech (para sa buwan ng wika)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s